Magnitude 5.3 na lindol, na-detect sa North Korea

Isang magnitude 5.3 na lindol ang na-detect sa North Korea sa gitna ng mga ulat na naghahanda umano ang bansa para sa kanilang ika-limang nuclear test.

Ayon sa State News Agency ng South Korea, artificial quake ang nangyaring pagyanig.

Na-detect ng U.S Geological Survey ang pagyanig sa hilagang silangan ng North Korea, malapit sa isang kilalang nuclear test site.

Wala namang kumpirmasyon ang North Korea kung may nangyari ngang nuclear test na naging sanhi ng lindol.

Speak Your Mind

*