Mahigit ₱300M na nakuha sa raid sa Bilibid noong 2014 na nawawala, fantastic tale umano

Fantastic tale.

Ganito inilarawan ni Sen. Leila De Lima ang panibagong alegasyon na mahigit tatlong daang milyong piso umano ang nawawala mula sa halaga ng pera na nakuha mula sa raid sa Bilibid noong 2014.

Sinabi ni De Lima na tanungin na lamang ang mga ahensiyang kasama sa mga operasyon kung totoo ang nasabing alegasyon.

Lumitaw ang nasabing alegasyon matapos na pabulaanan ng dalawang senate witness na 1.6 milyong pisong halaga lamang ang nakumpiska mula sa mga preso nang magsagawa ng raid noong Disyembre Taong 2014.

Speak Your Mind

*