Mahigit 10 milyong turista kada taon, target ng DOT sa pagsapit ng 2020

Target ng pamahalaan na maipako sa mahigit 10 milyong turista ang bibisita sa bansa kada taon pagsapit ng 2020.

Ayon kay Tourism Assistant Secretary Ricky Alegre, puspusan na ang paglalatag sa iba’t ibang proyektong pang turismo upang maabot ang target nilang ito.

Kabilang na aniya rito ang walang tigil na promotion ng Philippine Tourism Industry sa ibat-ibang panig ng mundo

Samantala, kumbinsido naman  si Alegre na hindi makakaapekto sa lagay ng turismo sa bansa ang nangyayari sa mindanao tulad ng Davao bombing dahil naaksyunan naman agad ito ng pangulong Rodrigo Duterte.

Speak Your Mind

*