MANA Rice Program, isinusulong para mapalawak ang lupang sakahan

Panibagong programa ang binubuhay ngayon ng Department of Agriculture (D-A) ang Maunlad na Agrikultura sa Nayon o MANA Rice Program sa ilalim ng administrasyon ni DA Secretary Manny Pinol.

Sa panayam ng Sonshine Radio, sinabi ni Dr. Gilbert Rabara, Center Chief ng Pangasinan Research and Extension Center (PREC) ang MANA ay isang programa na tututok sa pagpapaluwang ng lupang sakahan ng palay.

Isa aniya sa layunin nang MANA ay mapatubibigan ang mga palayan para makapag-tanim sa second crops at matamnan din ang mga idol land o ang mga nakatiwangwang na lupa sa mga bulubunduking lugar.

Dagdag pa ni Rabara na target na mapadami ang aning palay ng mga magsasaka at matiyak na may sapat at murang bigas ang bawat hapag kainan ng pamilyang Pilipino.

Kalakip din  umano sa program ng MANA  ang  pamamahagi  ng libreng  binhi, abono,  insurance at marami pang  iba hakbang na  naglalayong paunlarin ang buhay ng mga magsasaka.

Speak Your Mind

*