MASA MASID Program ng DILG, sinimulan na ang pagbuo

Nagsisimula nang bumuo ang Department of Interior and Local Government o DILG ng mga volunteer mula sa barangay.

Ang nasabing grupo na binubuo ng mga ordinaryong mamamayan mula sa barangay at mga relihiyoso, ay tutulong sa kampanya ng pamahalaan kontra korupsyon, kriminalidad at iligal na droga.

Ayon sa DILG, ang naturang grupo ay tatawaging MASA MASID o Mamamayang Ayaw Sa Anomalya, Mamamayang Ayaw Sa Iligal na Droga.

Pangunahing layunin ng grupo ang magsagawa ng mga educational campaign kontra droga, information gathering and reporting at tumulong sa rehabilitation program ng pamahalaan.

Speak Your Mind

*