MDRRMO, naka red alert status dahil sa pag-apaw ng Marusay River

Naka-red alert status na ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Calasiao bunsod ng malawakang pagbaha sa lugar dahil sa nararanasang mga pag-ulan

Sa ngayon, labing dalawang barangay na sa Calasiao ang lubog sa tubig baha bunsod ng pag-apaw ng Marusay River umabot na sa 8.9 feet ang level ng tubig

Kabilang sa mga apektado barangay ang Talibaew, Gabon, Lumbang, Longos, Banaoang, Pob West, San Vicente, Lasip, Pob East, Mancup, Songkoy at Buenlag.

Ayon kay Freddie Villacorta, MDRRMO Officer ng Calasiao, patuloy silang nakamonitor sa mga residente na nakatira ang mga binahang lugar, at nakaanbatay ang mga rescue equipment sakali mang kakailanganin na ng force evacuation.

Speak Your Mind

*