Mga Artista, handang isailalim sa oplan tokhang ng PNP

Handang isailalim ng Philippine National Police sa oplan tokhang ang mga Artista na nasa Narco-List ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa, kung makakakuha siya ng listahan ay maaari nilang puntahan ang bahay ng mga Artista at istasyon kung saan ito nagtatrabaho upang hikayatin na sumuko.

Dagdag pa ni Dela Rosa, kung naisailalim sa oplan tokhang ang mga high-end subdivision maaari ring isailalim sa tokhang ang mga Artista na mga Public Figure.

Una nang sinabi ni incoming Subic Bay Metropolitan Authority Chairman Martin Diño na halos limangpung Artista ang nasa listahan ng Pangulo kung saan sampu sa mga ito ay hinihinalang tulak ng droga.

Hindi naman pinangalanan ni Diño ang mga artistang sangkot sa ilegal na droga.

Speak Your Mind

*