Mga botante sa barangay, maaari nang makapagrehistro sa susunod na buwan

Maaari nang makapagrehistro ang mga botante sa barangay para sa 2017 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Ayon sa Commission on Elections (COMELEC), paiigtingin nila ang pagdaraos ng satellite registration sa bawat barangay.

Tatanggapin sa satellite offices ang mga aplikasyon para sa registration, transfer, reactivation, correction o pagpapalit, reinstatement at inclusion sa list of voters.

Idadaos ang voter’s registration mula Oktubre 3, 2016 hanggang Abril 29, 2017.

Bukas ang mga tanggapan ng office of the election officer para sa mga nais magparehistro mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon, Lunes hanggang Sabado, kabilang na ang mga pista-opisyal.

Speak Your Mind

*