Mga drugs personality ng boluntaryong sumuko sa calasiao, umabot na sa 256

Umabot na sa mahigit dalawan daang drugs personality ng boluntaryong sumuko sa Calasiao Police Station simula ng ipatupad ang anti-ilegal drug campaign ng pamahalaan.

Ayon kay P/Supt. Fabiano Sudario, Officer-In-Charge ng Calasiao PNP, sa kabuuhan ay nakapagtala sila ng 256 drugs surrenderies, 8 rito ay mga drug pusher at 248 ang mga drug users.

Mula naman aniya sa 48 drugs watch list ng Calasiao PNP, anim na drugs personality na lamang ang kanilang minomonitor matapos 42 rito ang kabilang sa mga boluntaryong sumuko.

Tiniyak naman ni Sudario na hahabulin nila ang natitirang anim na drugs personality na kabilang sa drug watchlist ito man ay sa pamamagitan ng drug buy bust operation o search warrant.

Samantala, umabot narin sa 454 ang nakatok na mga bahay-bahay ng PNP Calasiao kasabay sa kanilang pinaigting na Oplan Tukhang o tutok, hangyu.

Speak Your Mind

*