Mga employer, resposibilidad na iparehistro ang kanilang empleyado sa Philhealth

Muling iginiit ng Philippine Health Insurance Corporation o Philhealth Regional Office 1 na resposibilidad ng mga employer ang pagpaparehistro sa Philhealth.

Sa programang sagot ka ng Philhealth sa DZRD Sonshine Radio, sinabi ni Charo Cortez, Information at Designate Collection Section Officer na batay sa National Health Issurance Act o RA No. 7875 na lahat ng Filipino ay mandatory na maging Philhealth Member.

Dahil dito, bilang responsableng employer, dapat umanong iparehistro ng mga employer ang kanilang empleyado sa Philhealth.

Kabilang na aniya rito ang mga empleyado mula sa mga tanggapan ng gobyerno o maging sa mga pribadong tanggapan ay kailangan silang maiparehistro sa Philhealth upang magkaroon sila ng mga prebelihiyo sa social health issurance coverage.

Maging ang mga pribadong idibidual na mayroong kasambahay, kung saan ang kasambahay ay itinuturing na empleyado sa ilalim ng batas ay dapat din itong iparehistro sa Philhealth.

Speak Your Mind

*