Mga mag-aaral sa lahat ng level sa Dagupan, walang pasok ngayong araw

Walang pasok ngayong araw ng Huwebes, Septeyembre a-uno ang mga mag-aaral sa lahat ng antas sa lungsod ng Dagupan dahil sa nararanasang mga pag-baha.

Sa pamamagitan ng facebook page ni Dagupan City Mayor Belen Fernandez, ipinaabot nito ang kanselasyon ng klase mula pre-school hanggang senior high school sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Dagupan.

Kasama rin sa class suspension ang mga estudyante sa kolehiyo at unibersidad na nasasakupan ng dagupan batay narin sa rekomendasyon ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO).

May pasok naman ang mga manggagawa na nagtatrabaho sa mga tanggapan ng gobyerno, ngunit pinapatuhan ang lahat na mag-ingat dahil sa inaasahang magtatagal pa ang nararasang mga pag-baha.

Speak Your Mind

*