Milyong halaga ng Signal Jammer, sinimulan ng ikabit sa New Bilibid Prisons

Sinimulan na ang pagkakabit ng dalawang Signal Jammer sa New Bilibid Prisons sa Muntinlupa City.

Tanging sa building 14 lamang ikakabit ang naturang Signal Jammer na nagkakahalaga ng dalawang milyong piso bawat isa.

Nilinaw naman ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na ang naturang mga Signal Jammer ay pawang mga donasyon lamang ng ilang mga good samaritans.

Kaugnay nito, hindi naman tiyak kung ang mga bagong Signal Jammer ay magiging sagot sa nagkalat pa ring mga cellphones sa Bilibid.

Speak Your Mind

*