Naarestong drug personality sa Region1, pumalo na sa mahigit 700

Pumalo na sa pitong daan walumpot pito (787) ang mga naarestong drug personality sa buong rehiyong uno.

Ito ang iniulat ng Philippine National Police- Region 1 mula ng simulan ang programa ng pnp na Oplan Tokhang.

Ang nasabing mga sumukong drug personalities ay mula sa mga lalawigan ng Pangasinan, La Union, Ilocos Norte at Ilocos Sur.

Mula sa naturang bilang, 140 ang umaming drug users habang 647 ang mga pushers.

Samantala, iniulat din ng Police Regional Office – 1, na umaabot na sa dalawampu’t walo na mga drug personalities ang napatay ng pulisya kaugnay sa pinaigting na operasyon sa ilalim ng Project Double Barrel ng PNP.

Sa ngayon, umaabot na rin sa 32,021 ang mga boluntaryong sumuko sa Region One habang 31,827 na kabahayan na ang binisita at kinatok ng pulisya.

Speak Your Mind

*