Nagpapatuloy na Police Operation kontra iligal na droga sa Cebu City.dalawa patay habang dalawampu katao ang arestado

Dalawa patay habang hindi naman bababa sa dalawampu ang arestado sa magkakahiwalay na Police Operation kontra iligal na droga sa Cebu City at Talisay City.

Sa Cebu, dead on arrival ang drug suspect na si Riolando Secretaruia matapos na magtamo ng tama ng baril.

Sumuko naman ang mga kasamahan nito na sina Michael Secretaria, Gerald Flores, Daryl Abante at Sandy Villegas.

Arestado naman sa Duljo-Fatima, Cebu ang labing-anim katao sa isinagawang operasyon ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency.

Sa Talisay City naman, apat na drug pushers ang naaresto sa Barangay Cansojong.

Speak Your Mind

*