Natulungang OFW sa Saudi Arabia, 70% ay mula sa Pangasinan

Nasa pitumpong porsyento ng natulungan ng Kingdom of Saudi Arabia Relief Assistance Program o KSA-RAP Program ng Overseas Workers Welfare Administration-Regional Welfare Office 1 (OWWA-1) ay mula sa lalawigan ng Pangasinan.

Ito ang inihayag ni Justin Paul Marbella, Labor Communications Officer ng OWWA Region1 sa panayam ng DZRD Sonshine Radio kung saan ang Pangasinan ang may pinaka-malaking bilang ng mga OFW sa Region 1.

Ayon pa kay Marbella sa ilalim ng programang KSA-RAP ay makakatanggap ng tulong-pinansiyal ang OFW na nagkakahalaga ng P20,000 na apektado ng krisis sa Saudi at ng karagdagang P6,000 para sa kanilang pamilya o dependent.

Sa ngayon, patuloy umanong hinihikayat ng pamahalaan ang mga OFW sa Saudi Arabia na umuwi na bansa dahil sa nararanasang crisis sa lugar at upang tumuklas ng mas magandang oportunidad na naghihintay sa kanila sa Pilipinas.

Ang tinig ni Justin Paul Marbella, Labor Communications Officer ng OWWA Region1 sa panayam ng DZRD Sonshine Radio.

Speak Your Mind

*