NFA, nagpaalala sa mga magsasaka na huwag magbilad ng palay sa kalsada

Muling nagpaalala ang National Food Authority o NFA Eastern Pangasinan sa mga magsasaka na huwag magbilad o mapatuyo ng palay sa mga kalsada.

Bukod sa pagkadurog ng mga palay kapag nadaanan ng sasakyan, posible pa itong mahaluan ng mga buhangin, bato, at graba maliban pa sa pilegro sa mga magsasaka sa mga motoristang dumaraan.

Ngunit ayon kay Engr. Diony Revira, Assistant General Manager, NFA Eastern Pangasinan, hindi naman nila masisisi ang mga magsasaka na magbilad sa kalsada dahil sa kakulangan ng mga Drying Facilities sa lalawigan.

Pero iginiit ng NFA na mas ligtas kainin ang bigas kung ito ay pinatuyo sa mga Drying Facility, kayat hinihikayat ang mga magsasaka na ibenta na lang sa NFA ang kanilang aning palay.

Speak Your Mind

*