NFA, tiniyak na sapat ang suplay ng bigas sa Pangasinan

Tiniyak ng National Food Authority (NFA) na sapat ng suplay ng bigas sa lalawigan ng Pangasinan.

Ito ay dahil sa inaasahang paparating na importasyon o inangkat na  bigas mula sa ibang bansa para sa buong rehiyong uno na umaabot sa 100,000 sako ng bigas.

Maliban pa rito ang magandang ani ng mga magsasaka na mapalad na hindi masyadong naapektuhan ng mga nagdaang kalamidad.

Ayon kay Engr. Diony Revira, Assistant General Manager, NFA Eastern Pangasinan, aabot pa sa 88,000 ang stock balance mula sa locally procured rice.

Dahil dito, inaasahan na sa mga susunod na linggo ay bababa na ang presyo ng bigas na bahagyang tumaas ang presyo nitong mga nakaraang araw.

Sa ngayon, nananatili ang presyo ng well-milled rice sa ₱36 hanggang ₱38 kada kilo at ang regular milled rice sa ₱34 hanggang ₱36 ang kada kilo.

Speak Your Mind

*