One-stop service center ng POEA Region 1, minamadali na ang paglulusad

Minamadali na para agad na maipatupad ang One-Stop Service Center ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) at ng ibat-ibang ahensya ng gobyerno sa rehiyong uno.

Ito ang inihayag ni Rex Marcos, Officer In Charge ng POEA-Region 1 sa panayam ng DZRD Sonshine Radio kung saan target umano itong ilunsad sa Septyembre a-singko.

Ayon kay Marcos, ang naturang programa ay bilang pagtugon ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na mapabilis ang transaksyon sa gobyerno.

Partikular naman aniya na maseserbisyuhan ng One-Stop Service ang pangangailangan ng mga ofws lalo na sa pagproseso ng kanilang mga dokumento.

 

Kabilang naman ang mga sumusunod na ahensiya na nagbibigay serbisyo sa mga OFW gaya ng Department of Foreign Affairs (DFA), Overseas Welfare Workers Administration (OWWA), Technical Education and Skills Development (TESDA), Professional Regulation Commission (PRC), Home Development Mutual Fund (HDMF), Social Security System (SSS) at iba pa.

Speak Your Mind

*