One TESDA Summit, Cycle2 ng TESDA-Pangasinan, isinasagawa ngayong araw

Isinasagawa ngayong araw ang One TESDA Summit, Cycle2 ng Technical Education and Skills Development Authority o TESDA na gaganapin sa Sison Auditorium na inaasahang dadaluhan ng aabot sa isan libo katao.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio kay Genevive Sanchez, Administrative Officer V ng Tesda-Pangasinan, maraming delegado ang dadalo mula sa lalawigan ng Ilocos Sur, Ilocos Norte, La Union at Pangasinan.

Kabilang naman umano sa mga tatalakayin dito ang ilang mga program ng TESDA gaya ng TVET Reform and Development Agenda, two pronged TVET Strategy for Poverty Reduction at Regional TVET Situationer and Program Accomplishments.

Inaasahan din ang pagdalo ng mga local executive ng 48 na municipalidad ng Pangasinan at ni Pangasinan Governor Amado “Pogi” Espino III.

Speak Your Mind

*