OPAG, tiniyak na mas malaki ang kita ng mga magsasaka sa seed production

Tiniyak ng Office of the Provincial Agriculture (OPAG) na mas malaki ang kikitain ng mga magsasaka kung papasok ito sa seed production o maging certified seed growers.

Ito ang inihayag ni Irene Estrada, Senior Agriculturist at Provincial Seed Production Program Coordinator ng OPAG sa programang lakbay agri sa himpapawid ng DZRD Sonshine Radio.

Sa kabila aniya ng mga isinasawang ibat-ibang training, at mas malaking cost production sa pagsasaka, mas tiyak ang kita ng mga seed growers dahil mas mahal ang presyo ng mga certified seed.

Nilinaw naman ni Estrada na hindi lahat ng mga magsasaka ay maaring maging seed producer kundi ang mga magsasaka lamang na handang humarap sa mas malaking responsibilidad.

Speak Your Mind

*