Opisyal at emplyado ng DOJ, isasailalim sa drug test

Isasailalim sa random drug test ang mga opisyal at emplyado ng Department of Justice o DOJ.

Sa ika-119 Anibersaryo ng DOJ, sinabi ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na hindi sila makakapag-prosecute kung sila mismo ay may bahid ng droga ng gusto nilang masugpo.

Hindi rin aniya nila malilinis ang mga tirahan ng mamamayan kung hindi naman malinis ang sarili nilang tirahan.

Sinabi naman ni Aguirre na bahagi ng pagsuporta nila sa war on drugs ng Pangulo ang isasagawang drug test.

Speak Your Mind

*