OPVET, nagsasagawa ng medical mission sa mga alagang hayop

Regular na nagsasagawa ng medical mission ang Provincial Veterinary Office sa mga alagang hayop ng Pangasinan.

Ayon kay Dr. Eric Jose Perez, Officer-In-Charge ng Office of the provincial veterinarian (opvet), personal na nagtutungo ang kanilang tanggapan sa mga barangay upang suriin ang kalusugan ng mga alagang hayop.

Kabilang na aniya rito ang pagsasagawa ng konsultasyon, pagpupulga, bakuna, at pagbibigay ng vitamina sa mga alagang hayop.

Prayoridad naman sa naturang veterinary medical mission ang mga barangay na madalas bahain dahil mas malapit sa sakit ang kanilang mga alagang hayop.

Dagdag pa ni Perez na ang hakbang na ito ay bilang ayuda sa mga magsasaka na walang sapat na pera para maipagamot ang kanilang mga alagang hayop.

Ang tinig ni Dr. Eric Perez, Provincial Veterinarian Officer sa panayam ng DZRD Sonshine Radio.

Speak Your Mind

*