Over staying, nangungunang kaso ng mga illegal alien sa Pangasinan

Over staying ang nangungunang paglabag sa batas ng mga foreigner o “alien” sa lalawigan ng Pangasinan.

Sa panayam, sinabi ni Paulino Verzosa, Alien Control Officer ng B-I na marami din sa pangasinan ang mga alien na may kaso ng working without permit na karaniwang mga dayuhang Taiwanese, Japanese at Korean.

Mataas din ayon kay Verzosa ang kaso ng mga dayuhang estudyante na nag-aaral sa bansa kahit walang hawak na karampatang dokumento o permit.

Ganunpaman, dahil umano sa umiiral na batas nanaging mahirap para sa B-I ang manghuli sa mga alien na iligal na naninirahan sa bansa

Ang tinig ni Paulino Verzosa, Alien Control Officer ng Bureau of Immigration Pangasinan sa panayam ng DZRD Sonshine Radio.

Speak Your Mind

*