OWWA Region 1, nagbibigay tulong pinansiyal sa mga apektado ng “Saudi Crisis”

Nagbibigay na ng ayuda ang Overseas Workers Welfare Administration-Regional Welfare Office 1 (OWWA-1), sa mga Overseas Filipino Workers (OFW) na apektado sa kasalukuyang krisis sa Saudi Arabia.

Ayon kay Rhoda Nilda Placida Lee, Education at Training Unit Head ng OWWA-1, maaari nang mag-claim ng tulong pinansiyal mula sa proyektong Kingdom of Saudi Arabia Relief Assistance Program o KSA-RAP ang mga apektadong OFW.

Batay sa datos ng ahensiya noong Agosto 22 ay mayroon nang 647 OFW at kanilang dependents na ang  nabigyan ng tulong dito sa rehiyon.

Mula sa 647, may natulungan nang 39 na repatriated OFW at 421 na dependents sa lalawigan ng Pangasinan at 13 ofw at 86 dependents La Union.

Sa ilalim ng programang KSA-RAP ay makakatanggap ng tulong-pinansiyal ang OFW na nagkakahalaga ng P20,000 at ng karagdagang P6,000 para sa kanilang pamilya o dependent.

Speak Your Mind

*