Pagbasa ng sakdal kay Marine Lt. Col. Ferdinand Marcelino, ipinagpaliban

Sinuspinde ng Manila Regional Trial Court branch 17 ang pagbasa ng sakdal sa kasong Possession of Dangerous Drugs laban kay Marine Lieutenant Colonel Ferdinand Marcelino.

Sinabi ni PAO Chief Attorney Persida Acosta na kumakatawan kay Marcelino, bigyan ng sampung araw ang panig ng prosekusyon para magsumite ng komento sa mosyon ni Marcelino.

Sa dalawampu’t tatlong pahinang mosyon ni Marcelino at Yan Yi Shou, hiniling nila sa korte na mabasura ang isinampang kaso ng Department of Justice kaugnay sa pagkakasangkot nila sa droga nuong Enero a-bente uno.

Pinasususpinde rin ng mga akusado ang pagpapalabas ng Warrant of Arrest, Arraigment o pagbasa ng sakdal at pagbasura sa kaso dahil sa kawalan ng probable cause.

Speak Your Mind

*