Pagbuhay ng Anti-Drug Abuse Councils sa pagsawata ng iligal na droga sa barangay, pinabubuhay

Iminungkahi ni Surigao Del Norte Representative Robert Ace Barbers ang mahigit apatnapung libong Barangay Anti-Drug Abuse Councils o BADACs.

Malaking tulong aniya ito para ihatid sa mga grassroots level ang kampanya ng gobiyerno laban sa iligal na droga.

Binigyang diin ni Barbers na dapat ang BADACs ay nasa first line of defense sa pinakamababang sektor dahil mas abot nito ang grassroots level sa mga urban areas.

Nabuo ang BADACs noong 1998, na ang tungkulin ay magsumite ng listahan ng mga illegal drug users, pushers, financiers at protectors sa kanilang mga lugar.

Nagpahayag din ng suporta ang ilan pang kongresista para buhayin ang mga Anti-Drug Councils sa mga Barangay upang tapusin ang drug war hanggang sa susunod na taon.

Speak Your Mind

*