Paghina ng Piso at Stock Market, hindi umano dapat isisi kay Pangulong Duterte

Hindi dapat isisi kay Pangulong Rodrigo Duterte ang paghina ng piso at Stock Market.

Ayon kay House Appropriations Committee Congressman Karlo Nograles, ang pandaigdigang merkado ang dahilan kung bakit humihina ang stock market.

Naghihigpit kasi aniya ang Amerika sa kanilang Monetary Policy.

Dagdag pa ng kongresista, hindi dapat gawing sukatan kung maganda ba ang ekonomiya ng bansa sa Stock Market.

Aniya, nananatiling matatag ang ekonomiya ng bansa at mas magiging maunlad pa kung agad na maipapasa ang panukalang 3.35 Trillion peso proposed National Budget.

Bagsak pa rin ang Stock Exchange Index ngayong araw.

Speak Your Mind

*