Pagkonsumo ng brown rice, isinulong ng DA Region 1

Patuloy na isinusulong ng Department of Agriculture (DA) Region 1 ang kanilang adbokasiya na maging “Riceponsible” ang sambayanang Pilipino.

Sa pamamagitan ng social media, naikakampanya ng kagawaran ang pagtangkilik sa pagkain ng brown rice sa ilalim ng hashtag na #brown4good challenge.

Ayon kay Gloria Parong, Riceponsible Focal Person ng DA-1, bagamat sa rehiyon ay nakuha na ang 178 percent bilang rice self-sufficiency ngunit ang buong bansa ay nasa 97 percent level lamang ito.

Kasama na umano rito ang kinakaharap na problema sa pagiging undernourishment, at kawalan ng kaalaman ng mga magsasaka sa pagkonsumo ng brown rice.

Dahil dito target ng DA na makalikom ng 50,000 tweet gamit ang hashtags na #brown4good challenge na nagsimula mula august 28 hanggang october 22, 2016.

Nabatid na ang pagkain ng brown rice ay maganda sa katawan dahil natataglay ito ng higher content of protein, fiber, vitamins, minerals at anti-oxidants kaysa sa milled rice.

Speak Your Mind

*