Pagkonsumo ng brown rice, isinusulong ng Department of Agriculture

Patuloy na isinusulong ng department of agriculture ang pagkonsumo ng brown rice sa layung makapag-ambag ng karagdagang produksyon ng bigas ng hanggang sampung porsyento.

Ito ang inihayag ni Dalisay Moya, Officer-in-Charge ng Office of the Provincial Agriculture (OPAG) kung saan target din nito na maabot ang pagiging rice sufficiency ng bansa.

Kasama na rin aniya rito ang programa na brown for good kung saan isinusulong naman nito na makapag-contribute ng masustansyang pagkain para sa mga Filipino.

Sinabi pa ni Moya na ang kagandahan sa brown rice ay ipa lamang ang inaalis at itinitira ang bran layer upang ito ay maging mas masustansya.

Kabilang naman sa mga sustansya na makukuha sa brown rice ay mga mataas na uri ng protina, fiber, vitamins, minerals at anti-oxidants.

Ang tinig ni Dalisay Moya, Officer-In-Charge ng Office of the Provincial Agriculture (OPAG) sa panayam ng Sonshine Radio.

Speak Your Mind

*