Pagkontra ni Pangulong Duterte sa pakikialam ng U.S at U.N, suportado ni Manila Mayor Estrada

Suportado ni dating Pangulo at ngayon ay Manila Mayor Joseph Estrada ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi dapat makialam ang Estados Unidos at ang United Nations sa mga usaping panloob ng Pilipinas.

Sa kaniyang pakikipagpulong kay Pangulong Duterte sa Malakanyang, iginiit ni Estrada na walang karapatan ang U.S. at U.N na diktahan si Duterte kung ano ang dapat gawin lalo na sa mga pambansang usapin.

Kabilang na dito ang kaayusan at kampanya ng gobiyerno laban sa mga terorista sa Mindanao.

Ayon kay Estrada, kabilang rin sa kanilang pinag-usapan ni Pangulong Duterte ay ang kampanya laban sa illegal drugs at pangangailangan ng mas maraming rehabilitation centers.

Naniniwala si Estrada na nasa tamang landas ang Pangulong Duterte sa paglaban sa illegal drugs, kriminalidad at terorismo.

Speak Your Mind

*