Pagkumpiska sa mga ari-arian ng mga drug lords, nais isulong ni PNP Chief Dela Rosa

Nais isulong ni Philippine National Police Chief Director General Ronald Dela Rosa ang pagkukumpiska sa ari-arian ng mga drug lords sa New Bilibid Prison.

Paliwanag ni Dela Rosa, dapat na kumpiskahin ang ari-arian ng mga drug lord para wala na aniyang magamit na resources ang mga ito.

Dagdag pa ng PNP Chief, kaya namamayagpag pa rin sa kulungan ang mga ito dahil sa nakapag-imbak na sila ng malalaking mga resources.

Nais ding hilingin ni Dela Rosa kay Pangulong Rodrigo Duterte na gawing prayoridad ang Wiretapping Bill para magamit sa kampanya kontra ilegal na droga.

Speak Your Mind

*