Pagpapalabas ng Sex Video sa mga conressional hearings, labag sa batas – De Lima

Iginiit ni Sen. Leila De Lima na labag sa batas ang pagpapalabas ng Sex Video sa mga conressional hearings o sa korte.

Ginawa ni De Lima ang pahayag matapos na sabihin ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na pwede niyang i-present ang hawak nilang tatlong Sex Video ni De Lima kung itatanggi nito ang relasyon sa umano’y Driver-Lover nito na si Ronnie Dayan.

Sinabi rin ni Aguirre na maging ang House Justice Committee ay nais rin na ipalabas ang nasabing video.

Umapela naman muli si De Lima sa mga kritiko na tigilan na ang personal na pag-atake sa kaniya.

Speak Your Mind

*