Pagproseso sa benepisyong makukuha sa SSS, mas pinabilis na

Mas pina-igsi at pinabilis na ang pagproseso sa mga benepisyong makukuha ng mga miyembro ng Social Security System (SSS).

Ito ayon kay Maureen Inocencio, ang Senior Communication Analyst ng SSS Central Luzon sa panayam ng DZRD Sonshine Radio ay dahil bukas na ang tanggapan ng SSS kahit araw ng sabado bilang bahagi ng kanilang 59th Year Anniversary.

Sinabi pa ni Inocencio na mandato narin ng Civil Service Commission (CSC) na alas syete palang ng umaga ay nagbubukas na ang tanggapan ng SSS para mas marami silang maserbisyuhan.

 

Halimbawa na aniya rito ang pagkuha ng funeral benefits na maaari nang makuha sa loob lamang ng dalawang araw.

 

Ang tinig ni Maureen Inocencio, ang Senior Communication Analyst ng SSS Central Luzon sa panayam ng DZRD Sonshine Radio.

Speak Your Mind

*