Pangasinan, nangunguna na sa goats production sa buong Region 1

Dumarami na sa mga magsasaka sa lalawigan ng Pangasinan ang nasa livestock sector dahil sa Farmers Livestock School Program ng Office of the Provincial Veterinary (OPVET).

Sa panayam ng Sonshine Radio, sinabi ni Dr. Eric Jose Perez, Officer-In-Charge ng OPVET, na dahil sa Farmers Livestock School Program ang Pangasinan na ang may pinaka-malaking goats production sa buong Region 1.

Ayon pa kay Perez, nakamit ito dahil sa mga isinagawang training, seminar at mga upgrading program kayat halos lahat ng munisipalidad sa lalawigan ay nakapag-parami na mga alagang kambing.

Sa ngayon, ang bayan ng Balungao ang nangungunang goat production sa Pangasinan kung saan dito isinagawa ang kauna-unahang Farmers Livestock School Program.

Pinagdiriwang din ng bayan ng Balungao ang Goat Festival bilang tanda at pagpapasalamat sa paglago ng kita ng mga magsasaka dahil sa pag-aalaga ng kambing.

Speak Your Mind

*