Pangasinan Provincial Hospital, nagbabala sa tumataas na kaso ng snake bite

Nagbabala ang Pangasinan Provincial Hospital o PPH sa lungsod ng San Carlos sa tumaas na kaso ng kagat ng ahas o snake bite sa lalawigan ng Pangasinan.

Batay sa tala ng Provincial Health Office, pumalo na sa dalawamput dalawa (22) ang nakagat ng ahas, ngunit wala namang namatay kumpara noong nakaraang taon na labin apat (14) ang naitalang nakagat pero tatlong ang naitalang namatay.

Ayon kay Dr. Policarpio Manuel, PPH Administrator, batay sa kanilang tala, pawang mga backyard snake o natutuklaw ng ahas sa bahay ang mataas ng kasong kanilang naitala.

Mapalad parin aniya ang mga nakagat ng ahas dahil hindi makamandag ang ahas na namamalagi sa bahay.

Paaala naman ng manuel na sakaling makagat ng ahas, huwag itong talian, huwag lagyan ng tubig ang sugat, huwag magpa-tandok at kung maaari ay agad na itakbo sa hospital.

Kasabay nito, tiniyak naman ng PHO na may sapat na stock ng anti-venon ang mga hospital ng Pangasinan.

Speak Your Mind

*