Duterte, nag-public apology kay Cong. Espino at iba pa na sangkot sa Narco-Politics

Nagsagawa ng public apology si Pangulong Rodrigo Duterte kay pangasinan Rep. Amado Espino kaugnay sa pagpapangalan nito bilang sangkot sa iligal na droga.

Ginawa ni Pangulong Duterte ang paghingi ng paumanhin kay Espino sa isinagawang inspeksyon sa umano’y shabu laboratory sa Lacquios, Arayat, Pampanga.

Giit ng Pangulo, na wala siyang pride para hindi umamin ng pagkakamali at mula sa puso umano siyang nagso-sorry sa dating Gobernador.

Ayon kay Pangulong Duterte, bagama’t ilang beses lumabas sa PNP, DILG at PDEA report ang pangalan ni Espino, wala siyang makitang link o koneksyon para madiin ito sa illegal drugs operations.

Ayon sa Pangulo, wala siyang sinisisi sa kaniyang mga opisyal at source ng narco-list.

Binigyang diin ng Pangulo na inaako niya ang buong responsibilidad at handa nitong harapin ang anumang kasong isasampa laban sa kaniya.

Maliban kay Espino, nag-sorry din ang Pangulo kina Raffy Baraan, kapatid ni dating Justice Undersecretary Francisco Baraan III at kay Board Member Raul Sison na una na ring nadawit sa Narco-List.

Speak Your Mind

*