Panibagong pagsabog sa Baghdad Iraq na ikinasawi ng pito katao, inako ng Isis

inako ng Islamic State ang responsibilidad sa pagpapasabog na naganap sa Baghdad Iraq noong linggo na ikinasawi ng pitong katao at ikinasugat ng 28 iba pa.

isang lalaki na mula sa Sunni Group ang pinasabog ang kaniyang sarili sa isang commercial street sa Baghdad.

target umano ng nasabing pag-atake ang mga miyembro ng Badr Organization.

patuloy ang pagpapalakas ng mga pag-atake ng IS sa mga government-held areas sa Iraq.

noong hulyo, inako din ng IS ang truck bombing na ikinasawi ng hindi bababa sa 324 na katao sa Karrada Shopping Area sa Baghdad, na itinuturing na deadliest single attack sa Iraq mula noong 2003.

Speak Your Mind

*