Panukalang pagtatalaga ng OIC sa mga barangay bago ang eleksyon, tinututulan

Hindi na umano dapat pang palitan o pagtatalaga ng Officer-In-Charge sa mga barangay hanggang hindi pa sa sumapit ang barangay election.

Ito ang inihayag ni Vergilio Sison, Department of Interior and Local Government o DILG Officer ng San Carlos City sa panayam ng DZRD Sonshine Radio kaugnay sa naturang panukala.

Ayon pa kay Sison, mas mabuting ituloy na lamang ng mga halal na Barangay Official ang kanilang panunungkulan hanggang sa dumating ang panahon ng eleksyon para makapamili ng mga bagong opisyal ng barangay.

Naniniwala si SISON na baka maging dahilan pa ng kaguluhan sa barangay kung ang uupong opisyal ay mula sa appointment at hindi mula sa pinili ang kanyang kabarangay.

Kasabay nito, tutol din ang opisyal sa panukalang i-abolish na ang mga Barangay Kagawad dahil naniniwala siyang hindi kakayanin ng isang Kapitan na pamahalaan ang buong barangay.

Speak Your Mind

*