PDRRMO, 24/7 nang nagbabantay dahil sa bagyong Ferdie

24/7 nang nagbabantay ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) bilang paghahanda sa pananalasa ng bagyong ferdie.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi ni  Rondale Castillo, Research and Planning Officer ng PDRRMO, patuloy na nakamonitor ang tanggapan sa mga posibleng emergency na maranasan dulot ng bagyo.

Nakaantabay aniya ang buong puwersa ng PDRRMO para makapagbigay ng tulong at serbisyo sa mga mamamayang Pangasinense.

Napagpapasalamat naman ang pdrrmo sa suportang ibinibigay ni Pangasinan Governor Amado “Pogi” Espino III hindi lang sa pagbibigay ng kagamitan kundi tutok ito sa pagpaplano sa panahon ng kalamidad.


Pagbibigay training ng PDRRMO sa bawat munisipalidad, malaking tulong sa panahon ng kalamidad

Tuloy-tuloy ang pagbibigay kasanayan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) sa bawat munisipalidad sa paggamit ng mga rescue equipment.

Ito ay hakbang para mas mapalakas ng puwersa ng bawat Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) lalo na sa panahon ng kalamidad.

Ayon pa kay Rondale Castillo, Research and Planning Officer ng PDRRMO, malaking tulong ang mga ibinibigay nilang training sa bawat mdrrmo para sa pagkakaisa na tulungan ang mga kababayan sa panahon ng kalamidad.

Kasabay nito, tiniyak naman ni Castilo na sapat ang bilang ng tauhan ng PDRRMO dahil sa dami ng mga WASAR volunteer at mga rescuer na handang ibigay ng buhay sa pagtulong sa ating mga kababayan.

Speak Your Mind

*