Perlas Pilipinas, kampiyon sa 2016 Seaba Womens Championship

Nasungkit ng Philippine National Women’s Basketball Team Perlas Pilipinas ang Gold Medal sa 2016 Seaba Women’s Championship.

Ito ay matapos payukuin ng Perlas ang Thailand sa iskor na 72-52.

Nakapagtala naman ng perfect na 6-0 record ang Pilipinas sa naturang tournament

Pinangunahan ni Allana Lim ang panalo ng team sa ginawang 15 points at dinagdagan pa ito ni Afril Bernardino ng 14 points at 11 rebounds.

Labis namang ikinatuwa ni Perlas Coach Patrick Aquino ang panalo na koponan.

Speak Your Mind

*