Pinaigting na siguridad sa matataong lugar sa Dagupan, ramdam na

Ramdam na ramdam na ang pinaigting na siguridad sa matataong lugar sa lungsod ng dagupan matapos ilagay sa full alert status ang Pangasinan bunga ng nangyaring pagsabog sa Davao City na ikinasawi ng labin apat ng katao.

Kasabay narin dito ang idineklarang State of Lawlesness ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay P/Supt. Neil Miro, hepe ng Dagupan City PNP, makikita na sa mga terminal, simbahan at palengke ang puwersa ng militar para masiguro ang kaligtasan ng publiko.

Hakbang rin umano ito upang mamonitor ang kahina-hinalang galaw ng mga terorista na posibleng maghasik ng harahasan ng lungsod.

Kasabay nito, umapela naman ang pulisya sa publiko na maging mapagmatyag, maging alaerto at agad na isuplong sa mga otoridad kapag may mamataan o panansing kahina-hinalang kilos.

Speak Your Mind

*