Pinsala ng habagat sa Pangasinan, pumalo sa mahigit P290M

Tinatayang nasa P290 milyon ang kabuuhang pinsala na iniwan ng nagdaang hanging habagat na tumama sa lalawigan ng Pangasinan nitong nakaraang mga linggo.

Ito ay batay sa ulat ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) kung saan pumalo sa P33,887,939 ang pinsala sa agricultura at nasa P268,000,000 ang pinsala sa inprastraktura.

Ayon kay Avenix Arenas, Training at Information Officer ng PDRRMO mataas ang naitalang pinsala dahil sa naranasang tuloy-tuloy na pag-ulan dahilan para bahain ang maraming bayan sa lalawigan.

Maliban pa sa dalawang magkasunod na pag-uulan ang naranasan sa Pangasinan dahilan din para tuluyang umapaw ng ilang ilog na nagdulot nang pagkasira ng ilang mga pananim.

Speak Your Mind

*