Platelet concentrate blood, mataas ang pangangailangan dahil sa dengue

Mataas ang pangangailangan ng Philippine Red Cross sa “platelet concentrate blood” dahil sa tumataas na kaso ng dengue sa lalawigan ng Pangasinan.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi ni Raymund Lim, Blood Donor Recruitment Officer PRC- Pangasinan Chapter, na pinakamabilis maubos ang platelet concentrate blood dahil karaniwan itong ginagamit sa dengue, leukemia  at mga nagpapa- chemotherapy.

Ang “platelet concentrate” umano ay tumatagal lamang ng limang araw, kayat hinihikayat ang publiko na mas maagang magpa-reserve ng dugo upang magamit ito ng tama ng mga pasyente.

Para naman aniya matugunan ang pangangailangan ng “platelet concentrate” ay tuloy-tuloy ang mga isinasagawang blood donation ng Red Cross.

Samantala, tiniyak naman ni lim na sapat ang stock ng iba pang component ng dugo gaya ng whole blood at fresh frozen plasma (FFP) dahil narin sa tuloy-tuloy na programa ng Red Cross.

Speak Your Mind

*