PNP, aprubado ang pananatili ng SAF sa loob ng New Bilibid Prison

Aprubado kay Philippine National Police Director General Ronald Dela Rosa ang hirit na i-extend pa ang pananatili ng mga tauhan ng Special Action Forces sa loob ng New Bilibid Prison.

Ayon kay Dela Rosa, nakikita nila na epektibo ang presensya ng SAF sa loob ng Bilbid.

Gayunman, sinabi ni Dela Rosa na kakausapin niya ang SAF Director para sa rotation ng mga SAF Troopers na  sa gayon aniya ay maiwasan na maging pamilyar sila sa mga preso.

Matatandaan na tatlong daan SAF Troopers ang dineploy sa Bilibid noong hulyo para pansamantalang palitan ang mga prison guards ng Bureau of Corrections o BUCOR na sumailalim naman sa re-training.

Speak Your Mind

*