PNP Regional Office 1, dumepensa sa mga retiradong Pulis Davao na idinadawit sa DDS

Dumepensa ang Police Regional Office 11 para sa mga retiradong Pulis-Davao na idinawit ng senate witness na si Edgar Matobato sa umano’y Davao Death Squad.

Isinangkot kasi ni Matobato ang pitong retirado at siyam na aktibong pulis sa umano’y Extrajudicial Killings sa Davao City sa ilalim ni dating Mayor at ngayo’y Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi naman ni PRO 11 Police Chief Inspector Andrea Dela Cerna na pahihintulutan nilang humarap sa pagdinig ng senado ang mga isinangkot na pulis kung ipag-uutos ito ng kampo krame.

Dagdag pa ni Cerna, hindi dapat agad maniwala sa paratang dahil una aniya sa lahat ay hindi naman na-e-establish pa na totoong nag-exist ang DDS.

Speak Your Mind

*