PPO, naka- full alert status kasunod ng pagsabog sa Davao

Naka full alert status narin ngayon ang Pangasinan Police Provincial Office (PPO) matapos ang nangyaring pagsabog sa isang night market sa Davao City.

Ito’y sa kabila ng wala pa naman silang natatanggap na ulat na mayroong planong maghasik ng karahasan sa lalawigan ang kinikilalang Abu Sayyaf Group.

Ganunpaman, sinabi ni P/Supt. Jackie Candelario, Deputy Officer for Operation ng PPPO, ang naturang alert status ay bilang paghahanda lang upang hindi mangyari sa lalawigan ang nangyari sa Davao.

Dahil dito, mag paiigtingin ang mga isinasagawang check point, at pagbabantay sa mga palengke, simbahan, terminal at mga shopping mall.

Inaasahan namang kasama sa pagbabantay ng pulisya ang mga militar matapos ideklara naman ni pangulong rodrigo duterte ang State of Lawlesness.

Speak Your Mind

*