PPPO, nilinaw na walang banta ng terorismo sa lalawigan ng Pangasinan

Nilinaw ng Pangasinan Police Provincial Office (PPPO) na walang banta ng terorismo sa lalawigan ng Pangasinan kahit na may nangyaring pagpapasabog sa lungsod ng davao na ikinasawi ng labingapat katao.

Ngunit ayon kay PS/Supt. Ronald Lee, Officer-in-Charge ng PPO, mas mabuti na ang naghahanda at maging alerto sa posibleng pag-atake ng mga terorista.

Bunga nito, magdaragdag umano ang puliysa ng mga K9 dog na magiging katuwang sa pag-inspection sa mga pantalan, mall at mga matataong lugar.

Kasabay nito, umapela naman ang pulisya sa publiko na maging mapagmatyag at agad na isuplong sa mga otoridad kapag may mamataan o panansing kahina-hinala kilos.

Speak Your Mind

*