Presyo ng mga lowland vegetable sa lungsod ng Urdaneta, bumaba

Bunga ng kakaunting suplay, halos double na ang itinaas sa presyo ng mga highland vegetable sa Bagsakan Market, sa lungsod ng Urdaneta.

Nabatid na pahirapan ang pagbabyahe ng mga gulay mula sa lalawigan ng Benguet dahil sa mga naranasang pag-ulan kayat magmahal ang presyo ng mga highland vegetable.

Sa kabilang nito, bumama naman ang presyo ng mga lowland vegetable dahil sa pagdagsa naman ng mga produktong gulay bunga ng mga isinagawang post harvest ng mga magsasaka.

Ayon kay Manuel Sison III, Officer-in-Charge ng Pangasinan Agri Pinoy Trade Center o PAPTC, maagang nag-ani ang mga magsasaka sa kanilang mga pananim dahil sa paniniwalang masasayang lang ito dala ng mga pag-ulan.

Sa ngayon, mabibili ang mga lowland vegetable tulad ng talong na mabibili na lamang sa P50 ang kada kilo ng talong at amplaya, P15 ang kilo ng kalabasa, at P40 ang kada kilo ng kamatis.

Speak Your Mind

*