Presyo nga mga bilihin, walang pataas dahil sa “State of National Emergency”

Kinumpirma ng Department of Trade and Industry na umiiral ang price control sa lahat ng basic at prime commodities sa bansa kapag nasa ilalim ng “State of National Emergency”.

Ayon sa DTI, ito ay alinsunod sa Republic Act 7581 o Price Act kaya’t nang ideklara ito ng pangulong Rodrigo Duterte, naka-freeze lahat ng consumer goods pwera na lang kung bumagyo dahil talagang hindi maiiwasang tumaas ang presyo ng bilihin lalo na ng mga gulay.

Pero giit ng DTI sa mga retailers at supplier, may bagyo man o wala, kailangang sundin ang batas na hindi taasan ang presyo ng mga bilihin.

Kaya’t paalala ng ahensiya sa mga consumers, maging alerto sa anumang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.

Speak Your Mind

*