Problema sasa iligal na droga sa lungsod ng Dagupan, pumalo na sa limampung porsyento ang nasusulosyunan

Pumalo na sa limampung porsyento mula sa tatlumpot isang barangay sa lungsod ng Dagupan ang nabibigyang solusyon ang problema sa sa iligal na droga simula buwan ng Hulyo hanggang Septyembre 21.

ito ayon kay Superintendent Neil Miro, Officer-In-Charge ng Dagupan Police, kung saan inaasahan nila na maaabot ang walumpong porsyento pagsapit sa buwan ng Disyembre o katapusan ng taon

sa ngayon, pumalo na sa animnaput walong mga Drug Personalities ang naaresto ng Dagupan City PNP mula sa kanilang isinagawang Drug Buy-Bust Operations at Search Warrants.

dagdag pa ni Miro na nakapagtala narin ang Dagupan City PNP ng 91 drug pushers at 916 drug users na boluntaryong sumuko simula ng ipatupad ang kampanya na Wars on Drug.

patuloy namang tinututukan ng dalawamput anim na nasa Deathunder Investigation o mas kilala sa “Extrajudicial Killings” (EJK) na naitala ng Dagupan City PNP.

Speak Your Mind

*